Google
 
Showing posts with label movies. Show all posts
Showing posts with label movies. Show all posts

Monday, April 14, 2008

Sex and the City Movie

Here is the trailer for the new SATC Movie... Ang worlwide premiere ay May 30, pero ang balita ko ay maglalabas ng mga advanced screening ang ibang mall sa Maynila. There are some more pics after it.. the clothes look promising.. parang The DEvil Wears Prada pero multiply it by four.. TARUT!

Me, soo excited!




And here are those pics I promised:


Wednesday, May 02, 2007

Transformers: More than meets the eye

Pasensya na at wala lang akong maisip na magandang tag sa title. Hahahha.

Well I have compiled a list of links for the transformer enthusiastsm ad of course, yung mga media and other stuff. Bago pa man ang movie na ipapalabas sa July, I think, ay meron nang original na animated na transformers movie, at eto ang trailer ng original and yung full length na live action successively:





For the enthusiast like myself, shempre, mas maganda na inote natin kung ano ang mga pinagkaiba ng mga hitsura nila sa animation at sa live action. So, eto po ang isang site to help you with any classic transformer query that you may have:

http://www.thetransformers.net/


It is europe's biggest transformers na website! At grabe, they have evrything, meron silang list at description ng bawat characters, they have episode guides, and they have fan art as well. Kung gusto naman pumunta sa official movie website, you might want to check out:

http://www.transformersmovie.com/

eto yung official movie website, so makikita niyo yung iba pang itsura ng bagong transformers. Kung gusto mo naman ng sarili mong transformersm pwede mong icheck out ang website na ito, kung saan, pwede kang gumawa ng sarili mong chevrolet na transformer:

http://www.chevrolet.com/autobot/

at last but not the least, kung gusto niyo marinig ang sound ng pagtransform ng mga transformers, warning ha, for the enthusiast lang talaga, ay check out this site:

http://cache.gizmodo.com/assets/resources/2007/04/Transnd.wav

ayan, i hope those sites and others will keep you busy, hanggang sa showing nung actual full length movie. Hahahaha.

Monday, April 30, 2007

Black Spider Man and Venom: The Origins


In celebration ng premiere ng Spiderman 3 bukas, which I might add ay bibigyan ako ng block screening tickets ng Barkadahan 2007 friend ko na si Tin, at dahil na rin na ilan na ang nagtatanong sa akin kung bakit daw kulay black si spiderman, ay I thought na it would be best na bigyan kayo at ang mga kapatid ko sa pananampalataya ng crash course sa black at sa pulang spider man.

Bata pa lang ako mahilig na ako sa marvel. Halos lahat ng alam ko ay napagtagpi tagpi ko sa pagbabasa ng comics, sa trading cards at more recently sa mga TV series, so yung mga die hard fans jan. don't hate ha. I'll just tell you what I know:

Nung nakikipaglaban si Spiderman sa outer space, more specifically sa Secret wars, ang secret wars eh parang reunion ng lahat ng marvel heroes na kinalaban nila yung grupo ni BEYONDER. Si Beyonder ay isang alien na gustong pagaralan ang concept ng DESIRE dito sa earth, so ang ginawa niya, gumawa siya ng isang mudo na ang tawag ay batleworld kung saan kinmuha niya yung mga greatest villains and heroes sa earth para dun mag warlahan. Kung sino man ang mag win, kahit anong gustuhin niya, makukuha niya. To make the story short, nahirapan si spiderman sa laban niya, at nagkawasak wasak ang kanyang red and blue costume, nung nakita niya ang black costume, na parang medyo similar sa costume niya ay akala niya ay parang meron lang dun sa battleworld na costume making machine(YES, I am not making this up. ang tanga ni Spiderman, para siyang walang biochem major). Sinuot niya ito at dinala sa earth. Natuwa siya sa costume na to dahil nakita niyang ang daming uses at features. Ang ilan ay:

  • It has a chameleon property... para bang si mystique, pwede na ngayong i-mimic ni spiderman kahit sinong gusto niya. Thereby also eliminating the need kay peter parker na magpalit pa ng damit.
  • Meron ding Magical Pocket kyung saan lahat ng iba pa niyang gamit na dala ay pwede niya ilagay dun at hindi ito makakadagdag ng weight sa costume,
  • Meron ding sariling webshooter with infinite supply ng webbing. Kung naalala niyo, yung web ni spiderman ay peter paker's own recipe, so nauubos po yun.
Nung bumalik sa earth si spiderman, nagumpisa na yung pag possess ng black symbiote na ito sa kanya pag natutulog siya. Nung nakalaban niya si PUMA, sinabi sa kanyang yung mga web daw niya ay ORGANIC, kaya napag desisyunan niyang ipa check ito kay Reed Richards, aka, MIster Fantastic(ng fantastic 4), where in nalaman na living nga yung suit niyam at dapat tanggalin kasi unti unti itong nagtatake over sa body niya. So by using sonic blasts ay natanggal ito. Pero matalino yung costume, kasi bumalik siya sa room ni Peter Parker at nag change ng appearance at nag panggap na parang costume niyang red and blue, so dahil hindi alam ni Peter yun, sinuot niya yung costume. Pagsuot niya, na take over na naman siya. Dahil sa matalino siya, poumunta siya sa isang CHURCH, at pinatunog yung kampana, pero mas naunang nanghina si spiderman kaysa sa symbiote. Pero dahil sa naawa na ang symbiote kay spiderman, sinave niya ito. Dahil sa pagsave kay spiderman, nanghina ito ng tuluyan at bumagsak sa church, kung saan nandun si Eddie Brock, isa ring columnist sa Daily Planet, na napahiya ni spiderman sa pamamagitan ng pagexpose sa supposed to be na secret killer na he was writing on. Yung symbiote, to save itself ay nag feed kay Eddie Brock, na andun sa church at dapat say mag susuicide. dahil nagsama ang galit ni Eddie Brock at yung alaala ng Symbiote sa mga powers ni Spiderman, nagform si Venom na mortal enemy niya.

Ayan... at least alam niyo na. Ang tanong? Talaga kayang lalabas si Reed Richards? Oh busy pa siya sa pag gawa ng Fantastic 4 part 2. At bakit ang payat ni Eddie Brock sa movie? Bakit sa comics, mukha siyang borta?

Malalaman ko yan bukas. Antayin niyo ang reviews.

Saturday, April 21, 2007

Review: Ang Cute ng ina mo and Vince Saldana


I just recently got the chance to catch ANG CUTE NG INA MO (Ai-ai, Eugene tandem), and I must say na even though there are some funny parts, Wen is losing his touch. Grabe, feeling ko tuloy ang mga nakakatawa na lang sa mga ganitong movies ay yung mga scenes na pinapakita nila sa trailer, even though box office pa din sha, kasi ang daming tao. Pinaalala din sa akin ng pelikulang ito kung gaano na kamahal manood ng sine. Datime !har ka lang, ok na sa movie, me pamasahe ka pa pauwi (even though sa Gotesco Grand Central lang ako nanonood, me booking kasi), eh ngayon, mahina ang 300, magbabayad ka pa ng parking at soda (hala! soda talaga, slang!). So unless ayaw nyo manood ng ibang movie, at ayaw nyo ng horror, tulad ko, eto panoorin nyo.


Also, one actor caught my eye, he played the friend of Luis Manzano, pag roll ng credits I made sure na tignan yung name nya, it was VINCE SALDANA. With some investigative blogging, I found out na he was a finalist dun sa Close-Up to Fame contest, pero hindi siya nanalo. So I guess dun sya na discover. And if you think na he looks family, well nephew sya ni Piolo Pascual.
Maybe dyun nya nakuha yung good looks and boyish charm. This is one of the few times na kahit hindi kalbo, bet ko.

I likey.

Friday, April 06, 2007

The D.A.: Dumbledore's Army



I can't wait! It will open July 13th, worlwide! I hope I can watch the premiere!

Monday, March 26, 2007

Premiere


Eto na ang simula ng aking pagiging
BLOG superstar
!