Google
 

Monday, April 30, 2007

Black Spider Man and Venom: The Origins


In celebration ng premiere ng Spiderman 3 bukas, which I might add ay bibigyan ako ng block screening tickets ng Barkadahan 2007 friend ko na si Tin, at dahil na rin na ilan na ang nagtatanong sa akin kung bakit daw kulay black si spiderman, ay I thought na it would be best na bigyan kayo at ang mga kapatid ko sa pananampalataya ng crash course sa black at sa pulang spider man.

Bata pa lang ako mahilig na ako sa marvel. Halos lahat ng alam ko ay napagtagpi tagpi ko sa pagbabasa ng comics, sa trading cards at more recently sa mga TV series, so yung mga die hard fans jan. don't hate ha. I'll just tell you what I know:

Nung nakikipaglaban si Spiderman sa outer space, more specifically sa Secret wars, ang secret wars eh parang reunion ng lahat ng marvel heroes na kinalaban nila yung grupo ni BEYONDER. Si Beyonder ay isang alien na gustong pagaralan ang concept ng DESIRE dito sa earth, so ang ginawa niya, gumawa siya ng isang mudo na ang tawag ay batleworld kung saan kinmuha niya yung mga greatest villains and heroes sa earth para dun mag warlahan. Kung sino man ang mag win, kahit anong gustuhin niya, makukuha niya. To make the story short, nahirapan si spiderman sa laban niya, at nagkawasak wasak ang kanyang red and blue costume, nung nakita niya ang black costume, na parang medyo similar sa costume niya ay akala niya ay parang meron lang dun sa battleworld na costume making machine(YES, I am not making this up. ang tanga ni Spiderman, para siyang walang biochem major). Sinuot niya ito at dinala sa earth. Natuwa siya sa costume na to dahil nakita niyang ang daming uses at features. Ang ilan ay:

  • It has a chameleon property... para bang si mystique, pwede na ngayong i-mimic ni spiderman kahit sinong gusto niya. Thereby also eliminating the need kay peter parker na magpalit pa ng damit.
  • Meron ding Magical Pocket kyung saan lahat ng iba pa niyang gamit na dala ay pwede niya ilagay dun at hindi ito makakadagdag ng weight sa costume,
  • Meron ding sariling webshooter with infinite supply ng webbing. Kung naalala niyo, yung web ni spiderman ay peter paker's own recipe, so nauubos po yun.
Nung bumalik sa earth si spiderman, nagumpisa na yung pag possess ng black symbiote na ito sa kanya pag natutulog siya. Nung nakalaban niya si PUMA, sinabi sa kanyang yung mga web daw niya ay ORGANIC, kaya napag desisyunan niyang ipa check ito kay Reed Richards, aka, MIster Fantastic(ng fantastic 4), where in nalaman na living nga yung suit niyam at dapat tanggalin kasi unti unti itong nagtatake over sa body niya. So by using sonic blasts ay natanggal ito. Pero matalino yung costume, kasi bumalik siya sa room ni Peter Parker at nag change ng appearance at nag panggap na parang costume niyang red and blue, so dahil hindi alam ni Peter yun, sinuot niya yung costume. Pagsuot niya, na take over na naman siya. Dahil sa matalino siya, poumunta siya sa isang CHURCH, at pinatunog yung kampana, pero mas naunang nanghina si spiderman kaysa sa symbiote. Pero dahil sa naawa na ang symbiote kay spiderman, sinave niya ito. Dahil sa pagsave kay spiderman, nanghina ito ng tuluyan at bumagsak sa church, kung saan nandun si Eddie Brock, isa ring columnist sa Daily Planet, na napahiya ni spiderman sa pamamagitan ng pagexpose sa supposed to be na secret killer na he was writing on. Yung symbiote, to save itself ay nag feed kay Eddie Brock, na andun sa church at dapat say mag susuicide. dahil nagsama ang galit ni Eddie Brock at yung alaala ng Symbiote sa mga powers ni Spiderman, nagform si Venom na mortal enemy niya.

Ayan... at least alam niyo na. Ang tanong? Talaga kayang lalabas si Reed Richards? Oh busy pa siya sa pag gawa ng Fantastic 4 part 2. At bakit ang payat ni Eddie Brock sa movie? Bakit sa comics, mukha siyang borta?

Malalaman ko yan bukas. Antayin niyo ang reviews.

No comments: