Google
 
Showing posts with label pbb. Show all posts
Showing posts with label pbb. Show all posts

Saturday, July 14, 2007

Mickey and Me sa TriNoMa


Yes, ladies and gentlemen, it is destiny. Hindi dapat ako pupunta sa TriNoMa that day, since its raining na nga and pinilit lang ako ng mom ko, and Friday the 13th pa. Nahihiya pa ako lalo. ksi I'm wearing my BLACK, pero spice girls shirt, na I am proud that I have, pag kaharap ko lang ang MyAmigas and ang salamin namin sa bahay. Pero as luck would have it, my three pinka favourite housemates are there, Being the bashful girl(NOT) that I am, hinabol ko sila at nagpapicture. HAAAAY.. I'll treasure this forever...

PS: See, mickey's arm???? Nasa shoulder ko.. Mickey's arm, MY SHOULDER....meant to be.. (I love you hun)

Sunday, June 03, 2007

Hahaha, Tanggal si KIAN



Sobrang kinabahan ako kagabi ha... Sobrang mabobother and maapektuhan talaga ako pag natanggal si Mickey. Buti na lang, nanaiig ang pagdadasal at pagboto, at hindi natanggal si Mickey. Siguro naman sa nomination ngayon, titigil na sa pagboto ng 2 votes kay Mickey si Wendy, Bea, Saicy at si BRUCE. Naku. wag naman sana manominate ulit si Mickey! Hindi ko na kaya ang stress at anticipation!

Monday, May 28, 2007

PBB: Nominated si Mickey! Boto mga Becky!



Nominated si Mickey, at dahil diyan, meron na kong itinanim na galit kay WENDY, BEA, SAICY at si BRUCE, dahil lahat ng 2 points na vote nila ay ibinigay nila kay Mickey, si Bruce, maiintindihan ko pa eh, kasi feeling ko alam niya na threat si Mickey. At feeling ko naman, hindi niya naman talaga nahampas si NEL. Pero ang mga girls, ang kakapal ng face nila. Yang si Wendy, kakabalik lang, nakakirita na agad, pasalamat siya maganda siya, hay naku no, pareho lang kaming taga CAMANAVA, at sobra landi niya, gumagawa lang siya ng ingay, at tama na nga ang pagkakanta niya, kala mo naman ang special ng boses, You are so ordinary, pag tayong 2 kumanta sa DIGOYS, pareho lang tayo ng palakpak. At narinig nyo ba yung sinabi sa nomination, "2 points para kay Mickey, dahil hindi pa siya nanonominate" ANG TALINO MO! At yan ngang si SAICY, tantanan nga niya ako sa pag dadance niya diyan, mas magaling si Mickey no. Pasalamat siya, nung nakaraang nomination, sa Bacolod ginawa yung remote broadcast, kung hindi natanggal siya. At si BEA, oh BEA, ilang beses mo na ninominate si Mickey, hindi ka nagtagumpay, ngayon lang. Naku, matatanggal ka din. Hindi ka mananalo!!!!!

Sobrang bait ni Mickey at Cute pa

IBOTO NATING LAHAT SI MICKEY!

Saturday, May 19, 2007

Why i LOVE bigbrother



Sana pati yung mga PBB housemates me kuha ng ganito. Sana si Mickey. I miss watching my PBB. Sorry sa lack of posts been too busy lately.

Tuesday, May 01, 2007

Tangggal na si MariCrazy!

I am so happy na tanggal na si Maricris sa PBB house, alam kong medyo late na ang balitang ito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakahanap siya ng katapat kay Beatriz. Nung nagaaway sila, see video below:



Naalala ko ang friend ko na si Ranier pag nakikipagargue siya kay Maricris, sobrang foolproof and Bea gets her points across. Natatameme lang talaga si Maricris. Nakakaloka. Reminds me of a song:

"I can tell you're lying, coz when you're replying, you stutter, STUTTER..."

Lokang loka siya at capable si Bea na awayin siya ng ganito, kala kasi niya lahat na lang sa PBB house pwede niyang ibully. Kala niya, si Bea ay para lang si Dionne na kakayan kayanin niya. Well sorry MC. Ikaw ang nagsimula niyan. Ang intelligent ng argument ni Bea, and ang calm, which I learned from my friend ay nakakadagdag sa inis factor!

Don't feel bad BEA, she deserves to be booted out. S a Slovenian PBB, meron ngang isang male housemate na na evict, kasi naman , sinabi niyang parang gusto niyang saksakin si Big Broher. Hello, si kuya pa. I threaten mo ba na gripuhan si BEA? Hahaha, alam kong pajoke lang yan, pero dahil sinabi mo, dapat panindigan mo, hindi mo pepwedeng gawing defense na hindi nya mean yun. Suffer the consequences.

Here's to BEA, for standing up for herself and not taking things sitting down.

Monday, April 23, 2007

PBB News: I saw KIAN


My friend ericson and I were riding the escalator down from landmark going to glorietta, when I saw a vision in white. Si Kian Kazemi pala, ang just recently evicted housemate. He was wearing a white long sleeved light knitted sweater, jeans, and a pair of white sneaks. The sweater was like the one above, pero white shempre, mga jega. Oh so La Salle. Uhm nung lumapit siya ay nagtangka ako magpapicture nang nakita ko na marami pala siyang bangas sa mukha. Mejo nailang ako at naisip kong wag na lang.

Baka mawala pa pantasya ko.

Saturday, April 21, 2007

PBB Swap: It's TINA


I told you it was gonna be TINA.

Her full name is Tina Solemic. She is just 22 years young (although she looks 30, us pinoys are really babay faced). The reps from PBB chose her coz they agreed that her personality would fit well with the Philippine housemates coz she wasn't too nice and not too agressive as well. Kung baga sa tubig eh, maligamgam lang siya. Iba na talaga maging fan. Ilang oras din akong nagtranslate sa Officioal site ng BB Slovenia para makakuha ng clues to see kung sino ang ipapadala nila dito.

Sarap maging tama. hahhaha.



This is the BB house in Slovenia. My gawd. it doesn't even look like a house. It's a box with windows. Kawawa naman si Bruce.



Monday, April 16, 2007

PBB2 Bukas, Ngayon ang Broadcast: Tina or Jasmina of BB Slovenia will swap wit a PBB Male Housemate!



On April 21, there will be something yummy happening on PBB. Magkakaroon ng Intercontinental Swap. A Housemate from the Slovenian version of BB will swap houses with a PBB housemate. Ang big brother sa Slovenia ay being shown sa Kanal A, which is one of the largest TV stations sa Slovenia. Kalevel ng ABS. Ganung chika. At first, there were 12 housemates, pero nung lumaon, may idinagdag na 3 pa. Si Big Brother ang pipili ng housemate, and according to Toni, isa daw itong lalaking housemate. Ang galing! I just hope and pray na hindi ito si Miskey, coz mamimiss ko siya for a week. And sa pagreresearch ko din sa Internet, and sa Official Website ng BB Slovenia, ang housemate na pupunta sa Pilipinas ay a choice between:









TINA









JASMINA

Sino kaya ang pinoy housemate na ipapadala sa Slovenia? Ano ang mangyayari sa babaeng slovenian housemate? Miinlove ba sa kanya si NEL? O malamang landiin din siya ni DIONNE, kasi lahat naman nilandi na niya. ABANGAN!

For more info sa BB Slovenia, checkout this link to Wikipedia

Monday, April 09, 2007

PBB2 Bukas, Ngayon ang Broadcast: Pinoy ako Dance by the Season2 Housemates



I just would like to say that we should not save KIAN from eviction because he keep's screwing up Mickey's dance steps. Word of advice, Kian, just parade around with your shirt off. Leave the talking to the other housemates. Abd I dunno who weasled in the "archer's" dance step, and I have a good guess, the housemate's name rhymes with Lian. Ha.