Friday, April 27, 2007
Pahirap na Tulyahan
Even kung hindi ka taga CAMANAVA, malamang ay nabalitaan mo na na closed for repairs ang TULYAHAN bridge. Ito ang isa sa mga nagpapahirap sa pang araw-araw kong buhay.
Dati, I commute from my house, then sasakay ako ng jeep hanggang sa me city hall, then another jeep, towards sa LRT. Tapos nun ay isa na lang jeep , pagbaba ko school na. Wala pang 5 mins ang isang jeep ride, well except the last one na mga 15 minutes. So mga 25-30 minutes, pag medyo minamalas, mga 45mins. Worst case na yung an hour, malamang may nasiraan oh umuulan.
Ever since sinara ang tulyahan bridge, nag reroute ang pesteng MMDA papunta sa isang exclusive village sa Malabon, na pinadaan lang nila sa mga private vehickes, Kung mag cocommute ka, you have to ride the jeep to TULYAHAN, tapos you have to walk about 300 meters sa gitna ng init ng araw papunta sa foot bridge pictured above, tapos you have to walk some more to ride another jeep sa other side ng footbridge, PICTURED ABOVE.
Wala naman mashadong kaso sa akin na magdagdag ng 7pesos for another jeepney ride, pero ang problema ko talaga eh yung lecheng paglalakad sa tindi ng init ng araw. Naka all-white po ang uniform ko. Isipin na lang natin na mataba po ako, at kung paano ako maglapot. Pag dating ko na lang talaga sa eskwelahan ay dugyot na po ako. Anjan pang dahil maaga ang klase mo ay ikaw ang unang biyahe ng particular na jeep, kaya ikaw ay magmimistulang buhay na feather duster.
6 na buwan pa daw gagawin yung Tulyahan. Kailangan ko na ng burberry na payong.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Burberry na payong lang talaga! Nakakatawa.
Post a Comment