Tuesday, April 24, 2007
Catching Up: wow, personal.
My barkada is a blast. Yung core barkada ko, high school pa lang magkakaibigan na kami. And I must say na mahigit isang dekada na kaming magkakaibigan. Napakadami nang dumaan sa buhay namin. Nakakatawa din kami, kasi pag nagsasama sama kami, natatawa kami sa mga parehong bagay. We never get tired of hearing the same anecdotes again and again about our high school days. Tungkol sa mga kaklase, sa mga teacher, at sa isa't isa, pero kahit ilang beses mang ulitin, nakakatawa pa din.
Sa magkakaibigan, lalo na sa malalaking barkadahan, hindi mo maiiswasang may mas close kaysa sa iba. Naalala ko dati, naging close kami ni OFAJ (refer to pic, yung cutie na twink sa left, heheheh), we used to talk on the phone everyday, ay pwera lang pala yung isang araw sa isang linggo, na bawal tumawag kila ofaj(at kila eileen din), kasi nanonood sila ng dawson's creek. Hahahaha, nakakatawa no, antagal na nun, tapos we would talk about everything, especially about Jerson. Close kasi kami dati ni Ofaj, Jerson at ako, pero palaging me friction sa kanila. Dati pa nga dahil lang sa pagkain sa KFC, na nakanti ang pagiging Rica ni Jerson, halos durugin ni Jerson si OFAJ, at nilait pa ang dalang bag ni OFAJ. Tignan mo naman ngayon si OFAJ, Pa Louis Vuitton na lang na bag(see OFAJ's BLOG). Samantalang dati. Giordanong bag lang ok na sa min. Hindi ko alam eh, basta isang araw na lang, we stopped calling each other. Wala namang away na nangyari, basta, tumigil lang ang mga tawag.
Si Chuck naman(see Chuck's blog), naging close kami nung nagsisimba pa ako. Ayaw kasi niyang magsimba sa St. James, kasi hindi daw niya maintindihan ang sermon ng pari. Pangit daw kasi ang sound system sa church nila kaya he opts to hear mass sa parish namin. Palagi niya ko niyayaya magsimba. Madali naman ako yayain. kaya go ako. Tsaka ilang hakbang lang mula sa balur namin yung church. Madalas pa nga hindi kami naghihiwalay after chucrh. Anjang mag dunkin donuts muna, oh kaya kumain sa Chinese resto, oh kaya, gumawa agad ng kasalanan after church, sa pamamagitan ng pagpunta sa Bobby. Hahahaha. Kunwari. ihahatid ko na si Chuck sa Sdaan, habang nakasakay siya sa passenger's seat ng kotse, magkakatinginan kami sa may stoplight, tapos matatawa. Alam na namin na pupunta kami sa Bobby. Ilang beses din kami pumunta dun ng kami lang dalawa lang. Inaabot kami usually ng morning. as in sunrise, sandra, first coating ha. Pero naging busy kami pareho, kaya natigil na yun.
Sa pic sa itaas, nun lang ata kami nagkita ni OFAJ na small group lang, as in kaming tatlo lang. I've forgotten how funny and witty he is. Tawang tawa ako sa kanya. Matalino kasi si Ofaj. Ang bilis ng utak. Palaging me hanash sa aming dalawa ni Ericson(other guy sa pic). At lahat na sa Kroc(greenbelt) pinagtatawanan namin. Halos nga hindi na kami makakain sa kakatawa. Nito lang ata kami nagkaroon ng pagkakataong mag usap ng medyo matagal. Sa malayo na kasi nakatira si OFAJ, so hindi na namin siya masyadong nakikita. Kung makita namin siya, eh usually may ganap na malaki like bdays or Xmas party, kaya madami kumakausap sa kanya. Nakakapagusap kami, pero sandali lang.
Where am I going with this? Wala lang. Nagiisip lang ako siguro na kahit naman dumaan ang sampungh taon, wla din naman masyadong nag bago. Magkaka PhD na si Chuck, si OFAJ, baka pumunta na ng Denmark, pero pag nagkita kita kami, ganun pa rin yung tawanan at gaan sa pakiramdam. I miss you guys.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
Natuwa lang ako sa post mo.. hehe kasi like you I also have core friends who from high school until now are still my very very good friends, yung iba nga sa min nag-asawa na at may anak na pero the friendship get even stronger! nakakatuwa nga dahil parang kailan lang yung naguusap kami na sana in the future kahit may mga asawa na magkakaibigan pa rin.. and look at us now, the friendship is even getting sturdier as the days go by..and I know based on your blog kayo rin... God Bless!
Ano bah?! Ang chaka ng angle ko ha, parang antakaw-takaw ko. Echot.
Actually oo nga, dati ang dalas nating mag-usap sa phone. Naalala ko ikaw ang nag-introduce sa akin ng 7th Heaven. Sabi mo parang Chicken Soup for the Soul.
Osha, pinapalayas na ako dito sa internet cafe. Thanks sa mga adjectives mo para sa akin.
Love you. :)
Yo Mckee mah homegurl,
Ka-touch naman at nabanggit ako sa entry na ito :-)
Miss na rin kita.
At ang Bobby ay mami-miss na natin forever dahil ang balita ko ay nagsara na siya...at ang tambayan (dati) ng katabi ni Ofaj diyan sa picture ay masyadong mahal for me.
Ahehehe.
Ang idadagdag ko lang sa by now e legendary na nating post-church activity:
Si Mckee napanood ako noong first time ko.
HAHAHAHAHAHAHAHA
Love ya Mckee, you ain't no different from Missy...
Mckee...so addictive.
:-P
gurl, hindi ba tayo naging close? shet! anyways ang sarap balikan ang nakaraan, yun lang ang masasabi ko. ikaw ay isa sa unang grupo ng taong hahanapin ko pag uwi ko jan.
so there.
Hey hun, im lovin your recent posts. i think its great that ur starting to write from the heart. Ofcourse i bet you still wont stray away from the mass media, and show bizz news. but its koo. I love you anyways. hehe
ang ganda lang ng blog mo mam... sobrang totoo kasi.
miss na kita. nde na tyo nakakpag usap sa fone during asap or kung para san mang chika.
luv u always girl
Post a Comment