Google
 

Friday, May 04, 2007

PLDT Call Center Agent Curses a Customer!



Wag nyo antayin na me lumabas na image, kasi po, its all audio.

A convo between customer Raul and agent Rosanna. Grabe, you should hear it hanggang sa end, andun yung juicy parts, for some strange reason, ayaw gumana nung bar kaya hindi nyo pwede i fast forward(oh sa kin lang ito nangyayari?), nakakalowka, murahan talaga sila, and I might add, GOOD QUALITY pa yung audio! Hahahaha.

Parang hindi ata napindot ng agent yung MUTE button. Sino kaya nagsasabi ng totoo? You decide and leave your comments!

(Salamat ke mouthworxZzZ for the audio clip! luvyah gurl, miss na kita)

Wednesday, May 02, 2007

Transformers: More than meets the eye

Pasensya na at wala lang akong maisip na magandang tag sa title. Hahahha.

Well I have compiled a list of links for the transformer enthusiastsm ad of course, yung mga media and other stuff. Bago pa man ang movie na ipapalabas sa July, I think, ay meron nang original na animated na transformers movie, at eto ang trailer ng original and yung full length na live action successively:





For the enthusiast like myself, shempre, mas maganda na inote natin kung ano ang mga pinagkaiba ng mga hitsura nila sa animation at sa live action. So, eto po ang isang site to help you with any classic transformer query that you may have:

http://www.thetransformers.net/


It is europe's biggest transformers na website! At grabe, they have evrything, meron silang list at description ng bawat characters, they have episode guides, and they have fan art as well. Kung gusto naman pumunta sa official movie website, you might want to check out:

http://www.transformersmovie.com/

eto yung official movie website, so makikita niyo yung iba pang itsura ng bagong transformers. Kung gusto mo naman ng sarili mong transformersm pwede mong icheck out ang website na ito, kung saan, pwede kang gumawa ng sarili mong chevrolet na transformer:

http://www.chevrolet.com/autobot/

at last but not the least, kung gusto niyo marinig ang sound ng pagtransform ng mga transformers, warning ha, for the enthusiast lang talaga, ay check out this site:

http://cache.gizmodo.com/assets/resources/2007/04/Transnd.wav

ayan, i hope those sites and others will keep you busy, hanggang sa showing nung actual full length movie. Hahahaha.

Tuesday, May 01, 2007

Tangggal na si MariCrazy!

I am so happy na tanggal na si Maricris sa PBB house, alam kong medyo late na ang balitang ito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nakahanap siya ng katapat kay Beatriz. Nung nagaaway sila, see video below:



Naalala ko ang friend ko na si Ranier pag nakikipagargue siya kay Maricris, sobrang foolproof and Bea gets her points across. Natatameme lang talaga si Maricris. Nakakaloka. Reminds me of a song:

"I can tell you're lying, coz when you're replying, you stutter, STUTTER..."

Lokang loka siya at capable si Bea na awayin siya ng ganito, kala kasi niya lahat na lang sa PBB house pwede niyang ibully. Kala niya, si Bea ay para lang si Dionne na kakayan kayanin niya. Well sorry MC. Ikaw ang nagsimula niyan. Ang intelligent ng argument ni Bea, and ang calm, which I learned from my friend ay nakakadagdag sa inis factor!

Don't feel bad BEA, she deserves to be booted out. S a Slovenian PBB, meron ngang isang male housemate na na evict, kasi naman , sinabi niyang parang gusto niyang saksakin si Big Broher. Hello, si kuya pa. I threaten mo ba na gripuhan si BEA? Hahaha, alam kong pajoke lang yan, pero dahil sinabi mo, dapat panindigan mo, hindi mo pepwedeng gawing defense na hindi nya mean yun. Suffer the consequences.

Here's to BEA, for standing up for herself and not taking things sitting down.

Madonna, Nagpagupit!

Kung nanood kayo ng American Idol: Idol gives back, you might remember madonna looking like this, habang kasama niya ang kanyang newly adopted son na si David Banda:

Pero ngayon, just a few days after, this is what she looks like: My gawd:



Sporting a beige, safari suit, ma mistulang reminiscent ng jungles of Africa, kung saan sha galing dahil naghahanap daw siya ng kapatid ni David, the queen of reinvention, reinvents herself yet once more. Sporting strawberry blonde hair and a bob which reminds me of Posh spice(sorry maddie), medyo madaming hindi nagkagusto ng hair na ito. Tell me what you think.

Monday, April 30, 2007

Video: American Idol on the Simpsons



Funny Vid of Simon on the simpsons. I understand this will be on the simpsons movie.

Black Spider Man and Venom: The Origins


In celebration ng premiere ng Spiderman 3 bukas, which I might add ay bibigyan ako ng block screening tickets ng Barkadahan 2007 friend ko na si Tin, at dahil na rin na ilan na ang nagtatanong sa akin kung bakit daw kulay black si spiderman, ay I thought na it would be best na bigyan kayo at ang mga kapatid ko sa pananampalataya ng crash course sa black at sa pulang spider man.

Bata pa lang ako mahilig na ako sa marvel. Halos lahat ng alam ko ay napagtagpi tagpi ko sa pagbabasa ng comics, sa trading cards at more recently sa mga TV series, so yung mga die hard fans jan. don't hate ha. I'll just tell you what I know:

Nung nakikipaglaban si Spiderman sa outer space, more specifically sa Secret wars, ang secret wars eh parang reunion ng lahat ng marvel heroes na kinalaban nila yung grupo ni BEYONDER. Si Beyonder ay isang alien na gustong pagaralan ang concept ng DESIRE dito sa earth, so ang ginawa niya, gumawa siya ng isang mudo na ang tawag ay batleworld kung saan kinmuha niya yung mga greatest villains and heroes sa earth para dun mag warlahan. Kung sino man ang mag win, kahit anong gustuhin niya, makukuha niya. To make the story short, nahirapan si spiderman sa laban niya, at nagkawasak wasak ang kanyang red and blue costume, nung nakita niya ang black costume, na parang medyo similar sa costume niya ay akala niya ay parang meron lang dun sa battleworld na costume making machine(YES, I am not making this up. ang tanga ni Spiderman, para siyang walang biochem major). Sinuot niya ito at dinala sa earth. Natuwa siya sa costume na to dahil nakita niyang ang daming uses at features. Ang ilan ay:

  • It has a chameleon property... para bang si mystique, pwede na ngayong i-mimic ni spiderman kahit sinong gusto niya. Thereby also eliminating the need kay peter parker na magpalit pa ng damit.
  • Meron ding Magical Pocket kyung saan lahat ng iba pa niyang gamit na dala ay pwede niya ilagay dun at hindi ito makakadagdag ng weight sa costume,
  • Meron ding sariling webshooter with infinite supply ng webbing. Kung naalala niyo, yung web ni spiderman ay peter paker's own recipe, so nauubos po yun.
Nung bumalik sa earth si spiderman, nagumpisa na yung pag possess ng black symbiote na ito sa kanya pag natutulog siya. Nung nakalaban niya si PUMA, sinabi sa kanyang yung mga web daw niya ay ORGANIC, kaya napag desisyunan niyang ipa check ito kay Reed Richards, aka, MIster Fantastic(ng fantastic 4), where in nalaman na living nga yung suit niyam at dapat tanggalin kasi unti unti itong nagtatake over sa body niya. So by using sonic blasts ay natanggal ito. Pero matalino yung costume, kasi bumalik siya sa room ni Peter Parker at nag change ng appearance at nag panggap na parang costume niyang red and blue, so dahil hindi alam ni Peter yun, sinuot niya yung costume. Pagsuot niya, na take over na naman siya. Dahil sa matalino siya, poumunta siya sa isang CHURCH, at pinatunog yung kampana, pero mas naunang nanghina si spiderman kaysa sa symbiote. Pero dahil sa naawa na ang symbiote kay spiderman, sinave niya ito. Dahil sa pagsave kay spiderman, nanghina ito ng tuluyan at bumagsak sa church, kung saan nandun si Eddie Brock, isa ring columnist sa Daily Planet, na napahiya ni spiderman sa pamamagitan ng pagexpose sa supposed to be na secret killer na he was writing on. Yung symbiote, to save itself ay nag feed kay Eddie Brock, na andun sa church at dapat say mag susuicide. dahil nagsama ang galit ni Eddie Brock at yung alaala ng Symbiote sa mga powers ni Spiderman, nagform si Venom na mortal enemy niya.

Ayan... at least alam niyo na. Ang tanong? Talaga kayang lalabas si Reed Richards? Oh busy pa siya sa pag gawa ng Fantastic 4 part 2. At bakit ang payat ni Eddie Brock sa movie? Bakit sa comics, mukha siyang borta?

Malalaman ko yan bukas. Antayin niyo ang reviews.

Sunday, April 29, 2007

Fantasia VS Jennifer Hudson



"Ano Fantasia? Pataasan ba kamo ng range? Eto sa iyo" ---Jennifer H.


Spice Girls Reunion!

Here they are, well 4 of them at least, from left to right: Emma Bunton (baby spice), Melanie Chisolm(sporty spice), Geri Halliwell (ginger spice) and my favourite, Victoria Beckham(POSH spice). Nagkakasam sila dahil sa christening ng anak ni Geri, also shown sa pic, the name of the babay is Bluebell Madonna. Wala si Scary spice dahil buntis sha, which she claims is the baby of Eddie Murphy, at siya ay nasa L.A.

Nakkagulat na halos lahat sila ay nacomplete sa binyag ng anak ni Geri to think, kung naalala niyo pa ay nagkawatak watak sila dahil kay Geri nung umalis ito at ginawa ang kantang LOOK AT ME, kung saan tinitira niya ang spice girls. Grabe, mga dalaga na sila, si Mel C, may bagong album, si Emman naman ay ayon sa aking nabasa ay tuluyan nang nilisan ang showbusiness to pursue motherhood. Eh di sha na ang maternal. Si Posh naman ay busy mag pakasasa kay David Beckham. Oh diba, sha talaga ang matalino, dahil binakuran ni mama si Beckham.

Btw, Geri named her daughter Bluebell, based sa flower na grows wild sa Great Britain. Madonna naman dahil she said na when you say Madonna, 2 lang ibig sabihin, its either the Virgin, or the singer, and she likes both of them.

Dagdag lang... Have you seen Mr and Mrs David Beckham's yummy son? Let me introduce you to Brooklyn Beckham. Kyotaers pa lang sha, pero promising, at hindi na ako choosy, He got his father's good looks and of course, he is turning out to be quite the metrosexual, a term that his father popularized. Ilang taon na lang, pwede na yan. hahahah.

Funny Commercial: 1 out of 10 Men is Gay



Hey, after a week na sobrang busy, I am here again to post whatever it is that is interesting in the web. Kahit ano na gusto ko (at hopefully kayo din) ay andito, plus my own opinions and views of course, because after all, this is my blog, so haters, don't hate, I am here to share and not fight.

Ang babaho ng trip nyo. Hahahaha.

Magsimula tayo dito. from YouTube comes isang commercial na ipinapakita kung gaano lang talaga ka-insecure ang straight guys. They recently came across this article na sinasabing 10% daw of men are gay, tapos just wait and see how they react to it. Really funny. Such a gas. Oh they are so pulling my leg. It sends guffaws down my spine.

Yun na.

Friday, April 27, 2007

Pahirap na Tulyahan


Even kung hindi ka taga CAMANAVA, malamang ay nabalitaan mo na na closed for repairs ang TULYAHAN bridge. Ito ang isa sa mga nagpapahirap sa pang araw-araw kong buhay.

Dati, I commute from my house, then sasakay ako ng jeep hanggang sa me city hall, then another jeep, towards sa LRT. Tapos nun ay isa na lang jeep , pagbaba ko school na. Wala pang 5 mins ang isang jeep ride, well except the last one na mga 15 minutes. So mga 25-30 minutes, pag medyo minamalas, mga 45mins. Worst case na yung an hour, malamang may nasiraan oh umuulan.

Ever since sinara ang tulyahan bridge, nag reroute ang pesteng MMDA papunta sa isang exclusive village sa Malabon, na pinadaan lang nila sa mga private vehickes, Kung mag cocommute ka, you have to ride the jeep to TULYAHAN, tapos you have to walk about 300 meters sa gitna ng init ng araw papunta sa foot bridge pictured above, tapos you have to walk some more to ride another jeep sa other side ng footbridge, PICTURED ABOVE.

Wala naman mashadong kaso sa akin na magdagdag ng 7pesos for another jeepney ride, pero ang problema ko talaga eh yung lecheng paglalakad sa tindi ng init ng araw. Naka all-white po ang uniform ko. Isipin na lang natin na mataba po ako, at kung paano ako maglapot. Pag dating ko na lang talaga sa eskwelahan ay dugyot na po ako. Anjan pang dahil maaga ang klase mo ay ikaw ang unang biyahe ng particular na jeep, kaya ikaw ay magmimistulang buhay na feather duster.

6 na buwan pa daw gagawin yung Tulyahan. Kailangan ko na ng burberry na payong.