Google
 

Thursday, May 31, 2007

Beautiful or Smart: Why don't we ask JEANIE!



OMG. Saw this sa friendster ni Olibert. Candidate Jeanie Andersen (kapatid ni Gerald)(etchot) is being asked by Ms Gloria Diaz sa Q&A portrion kung what will she prefer: Being SMART or BEAUTIFUL, and Jeanie just fell apart sa tanong. Hindi ako actually natawa, naawa ako sa kanya. Feeling ko naman, kaya niyang ianswer ang question under different circumstances, pero sobrang kinabahan lang siya.

Wednesday, May 30, 2007

MTV VJ Hunt Finalists!


The Finalists are Out!

Making the lists are: (yung mga kilala ko lang)

Brent Javier: Na pweding kwestyunin ang kasarian, at kahit kailan ay hindi ko nagustuhan. Hindi ako mahilig sa twink.

Kat Alano: Na dating host sa Wowowee

Sib Sibulo: Dating resident weird (but funny) guy ng JackTV. Sayang umalis siya dun. I AM ROOTING FOR HIM.

Roxanne Barcelo: Dating PBB (ehem) Celebrity Edition Contestant na iniyakan ng ilang beses yung DJ, na hindi ko na maalala dahil pareho naman silang hindi masyadong sikat at hindi dapat pagaksayahan ng panahon.

Yun lang ang kilala ko.

Perez Hilton to Replace Rosie on THE VIEW?

(pic courtesy of perezhilton.com)

Yes! The Queen of All Media, and all around gay idol ay being considered bilang replacement ni Rosie sa The View. I totally love this guy, He has one of the most famous blogs in the planet, and I read it every day. It really is very entertaining. So, kung pwede nating i email ang THE VIEW, gawin natin, para magkaroon ng boses ang sang kabaklaan sa The VIEW!

Spiderman in Dior



Gaano naman kasarap to?

Ganyan sha, ganyan sha!

Its Miss JAPAN! At ang Lampang si Miss USA

Tapos na ang Miss U, hindi man lang nakapasok sa Top 15 si Miss Philippines. Kasi naman, she looks over confident. Sayang lang ang pamasahe ng buong pamilya niya papuntang Mexico. Dapat nanuod na lang sila sa Star World, at napaulit ulit pa nila ang palabas. At sa BIGGER news, nadapa si Miss USA. Nakakahiya, nakalong gown pa naman siya. At siyempre, ang kinuha kong video ay yung nadapa si Miss USA. Mas masaya kaya yung panoorin, Enjoy mga becky.

Monday, May 28, 2007

PBB: Nominated si Mickey! Boto mga Becky!



Nominated si Mickey, at dahil diyan, meron na kong itinanim na galit kay WENDY, BEA, SAICY at si BRUCE, dahil lahat ng 2 points na vote nila ay ibinigay nila kay Mickey, si Bruce, maiintindihan ko pa eh, kasi feeling ko alam niya na threat si Mickey. At feeling ko naman, hindi niya naman talaga nahampas si NEL. Pero ang mga girls, ang kakapal ng face nila. Yang si Wendy, kakabalik lang, nakakirita na agad, pasalamat siya maganda siya, hay naku no, pareho lang kaming taga CAMANAVA, at sobra landi niya, gumagawa lang siya ng ingay, at tama na nga ang pagkakanta niya, kala mo naman ang special ng boses, You are so ordinary, pag tayong 2 kumanta sa DIGOYS, pareho lang tayo ng palakpak. At narinig nyo ba yung sinabi sa nomination, "2 points para kay Mickey, dahil hindi pa siya nanonominate" ANG TALINO MO! At yan ngang si SAICY, tantanan nga niya ako sa pag dadance niya diyan, mas magaling si Mickey no. Pasalamat siya, nung nakaraang nomination, sa Bacolod ginawa yung remote broadcast, kung hindi natanggal siya. At si BEA, oh BEA, ilang beses mo na ninominate si Mickey, hindi ka nagtagumpay, ngayon lang. Naku, matatanggal ka din. Hindi ka mananalo!!!!!

Sobrang bait ni Mickey at Cute pa

IBOTO NATING LAHAT SI MICKEY!

Sunday, May 27, 2007

New Nokia Phone to Detect Lightning

Nokia Corporation of Finland recently applied for a patent sa US wherein nakaimnvent sila ng technology kung saan ang celphones nila could estimate where lightning will strike. The said technology will make use of FM and GSM signals, tapos me software sa cel mo na could actually estimate where the lightning will hit. This will be very useful sa mga cross-country athletes or kung mahilig kang makipagsex sa desereted na beach oh sira ang CR niya at ume-erna ka sa palayan.

You can take a peek at the actual patent application here

Vid: Queer As Folk Final Season Montage



Sa mga hindi pa nasa ilalim ng bato at hindi alam ang queer as folk, well ito po ay isang TV series na produced by homos for homos. Hindi lang po pinoportray ang mga bakla dto bilang nagrerebond at nag shashampoo, pinapakita rin ang hirap at saya ng pagiging bading.