Google
 

Friday, April 27, 2007

Pahirap na Tulyahan


Even kung hindi ka taga CAMANAVA, malamang ay nabalitaan mo na na closed for repairs ang TULYAHAN bridge. Ito ang isa sa mga nagpapahirap sa pang araw-araw kong buhay.

Dati, I commute from my house, then sasakay ako ng jeep hanggang sa me city hall, then another jeep, towards sa LRT. Tapos nun ay isa na lang jeep , pagbaba ko school na. Wala pang 5 mins ang isang jeep ride, well except the last one na mga 15 minutes. So mga 25-30 minutes, pag medyo minamalas, mga 45mins. Worst case na yung an hour, malamang may nasiraan oh umuulan.

Ever since sinara ang tulyahan bridge, nag reroute ang pesteng MMDA papunta sa isang exclusive village sa Malabon, na pinadaan lang nila sa mga private vehickes, Kung mag cocommute ka, you have to ride the jeep to TULYAHAN, tapos you have to walk about 300 meters sa gitna ng init ng araw papunta sa foot bridge pictured above, tapos you have to walk some more to ride another jeep sa other side ng footbridge, PICTURED ABOVE.

Wala naman mashadong kaso sa akin na magdagdag ng 7pesos for another jeepney ride, pero ang problema ko talaga eh yung lecheng paglalakad sa tindi ng init ng araw. Naka all-white po ang uniform ko. Isipin na lang natin na mataba po ako, at kung paano ako maglapot. Pag dating ko na lang talaga sa eskwelahan ay dugyot na po ako. Anjan pang dahil maaga ang klase mo ay ikaw ang unang biyahe ng particular na jeep, kaya ikaw ay magmimistulang buhay na feather duster.

6 na buwan pa daw gagawin yung Tulyahan. Kailangan ko na ng burberry na payong.

Tuesday, April 24, 2007

Catching Up: wow, personal.


My barkada is a blast. Yung core barkada ko, high school pa lang magkakaibigan na kami. And I must say na mahigit isang dekada na kaming magkakaibigan. Napakadami nang dumaan sa buhay namin. Nakakatawa din kami, kasi pag nagsasama sama kami, natatawa kami sa mga parehong bagay. We never get tired of hearing the same anecdotes again and again about our high school days. Tungkol sa mga kaklase, sa mga teacher, at sa isa't isa, pero kahit ilang beses mang ulitin, nakakatawa pa din.

Sa magkakaibigan, lalo na sa malalaking barkadahan, hindi mo maiiswasang may mas close kaysa sa iba. Naalala ko dati, naging close kami ni OFAJ (refer to pic, yung cutie na twink sa left, heheheh), we used to talk on the phone everyday, ay pwera lang pala yung isang araw sa isang linggo, na bawal tumawag kila ofaj(at kila eileen din), kasi nanonood sila ng dawson's creek. Hahahaha, nakakatawa no, antagal na nun, tapos we would talk about everything, especially about Jerson. Close kasi kami dati ni Ofaj, Jerson at ako, pero palaging me friction sa kanila. Dati pa nga dahil lang sa pagkain sa KFC, na nakanti ang pagiging Rica ni Jerson, halos durugin ni Jerson si OFAJ, at nilait pa ang dalang bag ni OFAJ. Tignan mo naman ngayon si OFAJ, Pa Louis Vuitton na lang na bag(see OFAJ's BLOG). Samantalang dati. Giordanong bag lang ok na sa min. Hindi ko alam eh, basta isang araw na lang, we stopped calling each other. Wala namang away na nangyari, basta, tumigil lang ang mga tawag.

Si Chuck naman(see Chuck's blog), naging close kami nung nagsisimba pa ako. Ayaw kasi niyang magsimba sa St. James, kasi hindi daw niya maintindihan ang sermon ng pari. Pangit daw kasi ang sound system sa church nila kaya he opts to hear mass sa parish namin. Palagi niya ko niyayaya magsimba. Madali naman ako yayain. kaya go ako. Tsaka ilang hakbang lang mula sa balur namin yung church. Madalas pa nga hindi kami naghihiwalay after chucrh. Anjang mag dunkin donuts muna, oh kaya kumain sa Chinese resto, oh kaya, gumawa agad ng kasalanan after church, sa pamamagitan ng pagpunta sa Bobby. Hahahaha. Kunwari. ihahatid ko na si Chuck sa Sdaan, habang nakasakay siya sa passenger's seat ng kotse, magkakatinginan kami sa may stoplight, tapos matatawa. Alam na namin na pupunta kami sa Bobby. Ilang beses din kami pumunta dun ng kami lang dalawa lang. Inaabot kami usually ng morning. as in sunrise, sandra, first coating ha. Pero naging busy kami pareho, kaya natigil na yun.

Sa pic sa itaas, nun lang ata kami nagkita ni OFAJ na small group lang, as in kaming tatlo lang. I've forgotten how funny and witty he is. Tawang tawa ako sa kanya. Matalino kasi si Ofaj. Ang bilis ng utak. Palaging me hanash sa aming dalawa ni Ericson(other guy sa pic). At lahat na sa Kroc(greenbelt) pinagtatawanan namin. Halos nga hindi na kami makakain sa kakatawa. Nito lang ata kami nagkaroon ng pagkakataong mag usap ng medyo matagal. Sa malayo na kasi nakatira si OFAJ, so hindi na namin siya masyadong nakikita. Kung makita namin siya, eh usually may ganap na malaki like bdays or Xmas party, kaya madami kumakausap sa kanya. Nakakapagusap kami, pero sandali lang.

Where am I going with this? Wala lang. Nagiisip lang ako siguro na kahit naman dumaan ang sampungh taon, wla din naman masyadong nag bago. Magkaka PhD na si Chuck, si OFAJ, baka pumunta na ng Denmark, pero pag nagkita kita kami, ganun pa rin yung tawanan at gaan sa pakiramdam. I miss you guys.

Monday, April 23, 2007

I need a break

It was hell in school kanina.

I don't even remember the last time I was this tired.

5 experiments in 8 hours

20minute lunch break

1 pesteng saradong tullahan bridge.

1 hour of sleep kagabi.

I REALLY need to sleep.

I am taking a lil blog break.

Video: Kris Aquino gives birth prematurely!



Well. this isn't NEWS at all, kasi mejo days late., considering na I am still blogging it. The baby boy is only 4lbs. Pero yung mga taong nagrereact na sobrang gaan ng bata, eh ok lang po yung weight ng bata, kasi 2 weeks naman siyang premature. Wag kayo maarte. Kinakabahan lang ako nung sinabing parang kulang sa amniotic fluid yung bata, na naka ingest ng erna(dumi) ang bata nung pinapanganak because of stress, and alam naman nating lahat na me effect din yung pagiging premature nung BABY, and ka birthday pa si ERAP. Nakakaloka ang tadhana.

Nakakatawa yung grammar and diction ni James, nung sinabi niya na nung sinusukat yung CONTRACT nung baby. Uhm, me pre-nup din ba ang bata? Hahahaha..

Too bad, ang tanging vid na makita ko sa YouTube ay galing sa GMA. (kapamilya ata ako, SOLID, well i hate GMA, except for Mark Herras. I hope I get a GC for this)

PBB News: I saw KIAN


My friend ericson and I were riding the escalator down from landmark going to glorietta, when I saw a vision in white. Si Kian Kazemi pala, ang just recently evicted housemate. He was wearing a white long sleeved light knitted sweater, jeans, and a pair of white sneaks. The sweater was like the one above, pero white shempre, mga jega. Oh so La Salle. Uhm nung lumapit siya ay nagtangka ako magpapicture nang nakita ko na marami pala siyang bangas sa mukha. Mejo nailang ako at naisip kong wag na lang.

Baka mawala pa pantasya ko.